top of page
bg tab.png

LGU Angat at Pribadong Sektor, Nag-abot ng Tulong sa 18 Paaralan


Isang malaking tulong para sa sektor ng edukasyon ang inihatid ng lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor matapos matagumpay na isagawa ang opisyal na turnover o pagkakaloob ng mga school supplies, hygiene kits, at cleaning materials para sa 18 pampublikong paaralan sa buong Bayan ng Angat.


Ang makabuluhang aktibidad na ito ay personal na pinangasiwaan ni G. Yral Calderon, katuwang si DepEd District Supervisor Dr. Guillermo Flores, na siyang malugod na tumanggap ng mga donasyon para sa mga mag-aaral at guro.



Ang mga ipinamahaging kagamitan ay nagmula sa iba't ibang business establishments o kumpanya na nagpapatakbo ng negosyo sa bayan. Ito ay bahagi ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR)—isang programa kung saan ang mga pribadong kumpanya ay boluntaryong nagbabalik-biyaya sa komunidad upang makatulong sa paglikha ng mas maayos, malinis, at ligtas na kapaligiran sa pag-aaral.


Lubos naman ang ipinaabot na pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa mga sumusunod na kumpanya at establisyemento na nag-abot ng kanilang suporta at donasyon:


• Marshall Poultry Farm

• Farmman Enterprises Inc.

• Farmville Multi Ventures Inc.

• Seven C Food Corporation

• JPCC Food Corp. (Jollibee)

• One Mavic Builders and Development Corp.

• JT7R Inc.

• 721 Builders Corporation

• STS Ventures Inc.

• Puregold Price Club Inc.

• Genetron International Marketing

• M.G. Santiago Corporation

• Fresh Q Enterprises Corporation

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page