LDRRM Plan 2027 ng Angat, Nakatanggap ng Positibong Komento mula sa Provincial Review Team
- Angat, Bulacan

- Jul 13
- 2 min read

Nakatanggap ng mataas na pagkilala at positibong komento mula sa Provincial Review Team ang idinisenyong Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) Plan ng Bayan ng Angat para sa Fiscal Year 2027 matapos ang matagumpay na presentasyon nito sa 2nd Floor Conference Room ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Ipinrisenta ni G. Carlos R. Rivera Jr., OIC-Municipal Administrator, Designated GSO, at MGDH I ng MDRRMO, ang mga komprehensibong programa, proyekto, at aktibidad na nakalaan para sa pagpapatatag ng kahandaan at kaligtasan ng bayan sa darating na taong 2027.

Sa ginanap na talakayan sa plenaryo, partikular na pinuri ng Provincial Review Team ang pagkakaroon ng Gender Inclusive na datos at sistema sa DRRM Plan ng Angat. Bukod dito, ikinagalak din ng lupon ang pag-angkoop ng mga Climate Change Adaptive na pamamaraan sa bawat inisyatibo ng Angat MDRRM Council upang matugunan ang mga hamon ng nagbabagong panahon.
Ayon sa lupon, minimal lamang ang ibinigay na komento para sa bahagyang pagpapahusay ng plano, na nagpapakita ng matatag at maayos na paghahanda ng munisipyo.
Ayon sa MDRRMO, ang matagumpay na pagbalangkas at komendasyong natanggap ay bunga ng suporta at pamumuno ng Ama ng Bayan at Pangulo ng MDRRMC, Lider Reynante "Jowar" S. Bautista, sa ilalim ng kanyang adbokasiya para sa Asenso at Repormang Bayan kung saan naglalayong tiyakin na ang bawat Angateño ay handa, ligtas, at panatag.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Angat MDRRMC sa mainit na pagtanggap ni PDRRMO Officer Manuel Lukban at sa buong hanay ng PDRRMO Bulacan, pati na rin sa mga kinatawan ng Provincial Review Team na kinabibilangan nina:
Ruben Rotaquio (Provincial Budget Office)
Rodrigo Malicsi, Jr. at Reynela Mae Abayon (Provincial Social Welfare and Development Office)
Nerissa Bautista (Provincial Planning and Development Office)
Van Isaac Luna (DILG - Bulacan)
Brian Bernard Alfonso (Provincial Health Office)
Rita Libiran (Bulacan DRRMO)
Mr. Pits Morris Auxillos (Office of Civil Defense Region III)
Sa pamamagitan ng masayang pagtatapos ng review na ito, muling pinatunayan ng Bayan ng Angat na "Angat ka sa Kaligtasan, Angat ka sa Kahandaan."








Comments