top of page
bg tab.png

Laban sa Sakit: Brgy. San Roque, Todo-Linis Bilang Paghahanda sa Tag-ulan


Isang matagumpay na Weekly Clean-Up Drive ang isinagawa ng mga opisyal at residente ng Barangay San Roque nitong Sabado, Hunyo 13, 2026.


Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na programa ng barangay upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng komunidad laban sa mga sakit, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.


Nakiisa sa paglilinis ang mga barangay officials, tanod, mga bumbero, at mga boluntaryong mamamayan. Sama-sama nilang nilinis ang mga pangunahing kalsada, baradong kanal, at mga pampublikong lugar upang masigurong walang pamugaran ang mga lamok na nagdadala ng dengue.


Nagpasalamat naman ang pamunuan ng barangay sa walang-sawang suporta ng mga residente at nakiusap na panatilihin ang wastong pagtatapon ng basura sa kani-kanilang mga tapat ng bahay araw-araw.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page