top of page
bg tab.png

Kooperasyon ng Mamamayan, Pinasalamatan sa Clean-Up Drive ng Brgy. San Roque

Oct 12
1 min read

Muling nagsagawa ng kanilang Weekly Clean-Up Drive ang pamunuan ng Barangay San Roque nitong Oktubre 10, 2026.


Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay at mga residente sa pag-iikot sa mga purok upang linisin ang mga pampublikong daanan, tabing-kalsada, at mga kanal para sa patuloy na kaayusan ng komunidad.


Binigyang-diin ng pamunuan ng barangay na ang tuloy-tuloy na linis-baranggay ay mahalaga upang maiwasan ang pag-iipon ng basura at mabawasan ang peligro ng mga sakit na nagmumula sa maduming kapaligiran.


Nagpaabot ng pasasalamat ang Barangay San Roque sa lahat ng mga residenteng naglaan ng panahon at nakiisa sa aktibidad para sa kalinisan at kalusugan ng buong pamayanan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page