Klase sa Angat, Suspendido sa Oktubre 16–17 para sa Inspeksyon ng mga Paaralan
- Angat, Bulacan

- Oct 15
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Suspendido ang lahat ng face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Angat sa Oktubre 16–17, 2025, batay sa Division Memorandum No. 513, s. 2025 ng DepEd Schools Division of Bulacan.
Ang pansamantalang pagsuspinde ng klase ay upang bigyang-daan ang masusing inspeksyon sa mga gusali ng paaralan at matiyak na ligtas at maayos ang mga pasilidad para sa mga mag-aaral, guro, at kawani.
Hinihikayat ang lahat ng paaralan na ipatupad ang Alternative Delivery Modalities (ADM) upang magpatuloy ang pag-aaral at mapanatili ang ligtas at epektibong daloy ng pagtuturo.
Sama-sama nating itaguyod ang isang handa, ligtas, at panatag na Bayan ng Angat.









Comments