top of page
bg tab.png

Kauna-unahang Flag Raising Ceremony, Idinaos sa Bagong Bahay Pamahalaan ng Angat


Pormal nang binuksan ang isang bagong kabanata ng pamamahala sa Bayan ng Angat matapos isagawa ang kauna-unahang Flag Raising Ceremony sa Bagong Bahay Pamahalaan ngayong Lunes.


Pinangunahan ni Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista at Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin ang seremonya, kaisa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Angat BFP, Angat PNP, at lahat ng kawani ng pamahalaang lokal.


Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Municipal Tourism Office at DILG Staff bilang hudyat ng opisyal na paglipat ng operasyon sa mas moderno at mas malawak na pasilidad.


Bilang bahagi ng pagpapasalamat at paghingi ng banal na patnubay para sa bagong simula, sinundan ang pagtataas ng watawat ng isang Bible Study sa pangunguna ng mga pastor mula sa Angat Christian Ministerial Association (ACMA). Binigyang-diin sa nasabing pagtitipon ang kahalagahan ng tapat, makatao, at responsableng paglilingkod sa bawat Angateño.


"Isang bagong simula sa isang bagong tahanan ng pamahalaan," pahayag ng lokal na pamahalaan. Ang bagong munisipyo ay inaasahang magsisilbing sentro ng mas mabilis at mas epektibong serbisyo publiko tungo sa patuloy na pag-unlad ng bayan.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page