Kauna-unahang Angat Youth Parliament, Nagbunga ng 5 Policy Resolutions

Nagtala ng panibagong kasaysayan ang kabataang Angatenyo sa ginanap na kauna-unahang Angat Youth Parliament na inorganisa ng Angat Local Youth Development Council (LYDC Angat) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Boys' and Girls' Week 2026.
Sa loob ng tatlong araw na masusing diskusyon, pagsusuri sa mga suliranin, at palitan ng mga pananaw, nagkaisa ang mga youth parliamentarians na bumuo ng limang (5) Policy Resolutions na naglalayong magbigay ng konkretong solusyon sa mga pangunahing isyu ng bayan:
Mental Health Inclusiveness: Pagsusulong ng mental well-being, pantay na access sa counseling, at komprehensibong mental health services.
Peace and Security in Schools: Pagpapatibay ng kaligtasan sa mga paaralan sa pamamagitan ng framework na 3Ps (Preparedness, Prevention, and Protection).
Angat Livelihood Pathways Program: Pagsusulong ng skills development, pangkabuhayan, entrepreneurship, at sustainable income generation.
Community-Based Rainwater Retention Program: Paglikha ng mga programa ukol sa rainwater retention upang tumugon sa banta ng pagbaha at patubig sa agrikultura.
Strengthening Drainage System Maintenance: Pagpapaigting ng regular na maintenance at paglilinis ng mga drainage systems at runoff canals sa mga barangay.

Ayon sa LYDC Angat, ang limang resolusyong ito ay opisyal na ie-endorso sa mga kaukulang tanggapan ng pamahalaang bayan at Sangguniang Bayan para sa kanilang konsiderasyon at kaukulang aksyon.
Ipinamalas ng aktibidad na ang partisipasyon ng kabataan sa Angat ay hindi lamang nagtatapos sa pakikinig, kundi sa aktibong pagbuo ng mga lokal na patakaran at panukalang pambayan.










Comments