top of page
bg tab.png

Kasalang Bayan 2025: Isang Pagdiriwang ng Pag-ibig at Pagkakaisa

ree

Isa sa mga pinakamakabuluhang gawain ng Pamahalaang Bayan ng Angat ay ang pagdiriwang ng mga pagsasamang pinag-iisa sa pamamagitan ng kasal. Ang Kasalang Bayan ay hindi lamang seremonya, kundi isang makulay na selebrasyon ng wagas na pagmamahalan, katapatan, at panghabambuhay na pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan.


Ngayong taon, bilang tampok na bahagi ng GulayAngat Festival 2025, muling magsasama-sama ang mga Angatenyo upang saksihan at ipagdiwang ang Kasalang Bayan na nakatakdang ganapin sa Oktubre 21, 2025. Ang mahalagang kaganapang ito ay handog ng Pamahalaang Bayan para sa lahat ng mga magkasintahang handa nang magpanumpa ng walang hanggang pag-ibig at sabay na tatahakin ang landas ng pagiging mag-asawa.


Mga Dapat Tandaan para sa mga Nais Lumahok:• Extended Registration Deadline: October 3, 2025• Lugar ng Pagpaparehistro: Municipal Civil Registry Office


Mga Kinakailangang Dokumento:

  1. PSA Birth Certificate ng bawat isa sa magpapakasal (libre mula sa Pamahalaang Bayan);

  2. Certificate of No Marriage (CENOMAR) ng bawat isa (libre mula sa Pamahalaang Bayan);

  3. Certificate of Attendance sa Pre-Marriage Orientation at/o Counseling Seminar;

  4. Isang valid ID ng bawat isa sa magpapakasal;

  5. Duly accomplished Application for Marriage License form;

  6. Pinakabagong Community Tax Certificate o Cedula;

  7. Isang 1x1 ID picture (may puting background) ng bawat isa;

  8. Pahintulot sa Kasal mula sa magulang o guardian (kung ang aplikante ay nasa edad na 18-21 taon);

  9. Death Certificate ng yumaong asawa (para sa aplikanteng balo);

  10. Certificate of Finality ng Annulment mula sa Korte (para sa aplikanteng annulled).


Libre ang seremonya at bilang bahagi ng selebrasyon, nakahanda ang munting handaan at mga sorpresa mula sa Pamahalaang Bayan ng Angat para sa lahat ng lalahok.


Higit pa sa isang kasalan, ang okasyong ito ay isang patunay ng kahalagahan ng pamilya sa paghubog ng isang maayos at masaganang pamayanan. Ang bawat magkasintahang sasailalim sa Kasalang Bayan ay hindi lamang ipinagdiriwang ang kanilang sariling pag-ibig, kundi nagiging simbolo rin ng pagkakaisa at patuloy na pag-unlad ng buong bayan ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page