Karapatang Pantao, Higit na Pinahalagahan sa Angat PNP; Human Rights Training, Isinagawa para sa mga Kawani
- Angat, Bulacan

- Mar 3
- 1 min read

Sa gitna ng patuloy na pagpapatupad ng batas at kaayusan, muling binigyang-diin ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kahalagahan ng paggalang at pagtataguyod sa karapatang pantao ng bawat mamamayan.
Nitong ika-9 ng Pebrero, 2026, sa isinagawang Daily Formation at Police Information and Continuing Education (PICE) sa harap ng himpilan ng pulisya sa Brgy. San Roque, nagpaabot ng mahalagang paalala si Pat Murphy T. Caoile, ang Human Rights PNCO ng istasyon.
Sa ilalim ng liderato ni PCpt. Jayson M. Viola, Officer-in-Charge (OIC), mariing ipinaalala sa lahat ng mga tauhan ng pulisya na ang tunay na serbisyo-publiko ay dapat laging nakaangkla sa paggalang sa dignidad at karapatan ng bawat indibidwal, sa lahat ng oras at pagkakataon.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng disiplina at patuloy na pag-aaral ng mga kapulisan upang matiyak na ang bawat operasyon at pakikipag-ugnayan sa publiko ay naaayon sa batas at sa pandaigdigang pamantayan ng Human Rights.
Layunin ng Angat MPS na maging isang huwarang ehemplo ng "Bagong PNP" na hindi lamang matapang sa pagpuksa ng krimen, kundi makatao rin sa kanilang pakikitungo sa sambayanan.









Comments