Kampanya sa Breastfeeding at Dietary Supplementation, Idinaos ng Nutrition Office sa Apat pang Barangay sa Angat

Ipinagpatuloy ng Municipal Nutrition Office ang pagsusulong ng kalusugan ng mga ina at sanggol sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Breastfeeding Awareness Month Information Education Campaign (IEC) noong ika-25 ng Agosto 2026 sa mga Barangay ng Santo Cristo, San Roque, Sulucan, at Marungko.
Bitbit ang temang "Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthening What Works," layunin ng talakayan na magbigay ng sapat na kaalaman ukol sa wastong nutrisyon at sa mahalagang papel ng pagpapadedeng-ina sa pagpapalaki ng malusog na sanggol.

Kaugnay nito, opisyal ding inilunsad sa nasabing mga barangay ang Dietary Supplementation para sa mga buntis, partikular sa mga kinilalang nutritionally at-risk pregnant women. Ang programang ito ay nakatutok sa pagpapatibay ng tinatawag na "First 1000 Days" ng bata upang matiyak ang tamang kalusugan at paglaki nito mula sa sinapupunan.
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, patuloy na nilalayon ng Nutrition Office at ng Pamahalaang Bayan ng Angat na gabayan ang mga pamilyang Angateño tungo sa pagbuo ng mas malusog, masigla, at ligtas na komunidad.










Comments