top of page
bg tab.png

Kampanya Laban sa Iligal na Modipikasyon, Inilunsad ng PNP Angat


Upang matiyak ang katahimikan at kaayusan sa mga kalsada ng bayan, pormal na inanunsyo ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) ang mas mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa mga sasakyang may maiingay na tambutso at iba pang iilang modipikasyon.

Ang hakbang na ito ay tugon sa dumaraming reklamo ng mga mamamayan tungkol sa polusyon sa ingay na idinudulot ng mga binagong tambutso (open pipes), lalo na tuwing gabi.


Ayon sa PNP Angat, ang mga ganitong modipikasyon ay hindi lamang nakakabalaho sa pahinga ng publiko kundi madalas ding lumalabag sa mga pamantayan ng Land Transportation Office (LTO) at mga lokal na ordinansa.


Nanawagan ang PNP Angat sa lahat ng mga vehicle owners na boluntaryong tanggalin ang mga iligal na gamit sa kanilang sasakyan upang makaiwas sa kaukulang huli at multa. Ang nasabing operasyon ay bahagi ng mas malawak na programa para sa isang payapa at ligtas na Bayan ng Angat.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page