Kalusugan ng Buto ng mga Angatenyo, Binigyang-Halaga sa Libreng Bone Screening at Calcium Provision
- Angat, Bulacan

- Feb 6
- 1 min read

Isang matagumpay na Free Bone Screening at pamamahagi ng Calcium tablets ang isinagawa nitong ika-6 ng Pebrero 2026 sa Angat Rural Health Unit (RHU) and Lying-In Clinic, Brgy. Sta. Cruz.
Ang nasabing programa ay inisyatibo ng Angat Rural Health Unit sa pakikipagtulungan ng Multicare Pharmaceutical. Layunin ng aktibidad na ito na maagang matukoy ang mga posibleng sakit sa buto tulad ng osteoporosis at makapagbigay ng kaukulang suportang medikal sa mga residente ng bayan.
Bukod sa libreng pagsusuri o screening, tumanggap din ang mga benepisyaryo ng libreng calcium tablets upang makatulong sa pagpapanatili ng matibay na pangangatawan. Ayon sa pamunuan ng RHU, ang mga ganitong uri ng partnership sa mga pribadong kumpanya ng gamot ay malaking tulong upang mas mapalawak ang serbisyong medikal na nararating ng mga mamamayan nang walang anumang bayad.
Patuloy ang paalala ng Angat RHU sa publiko na pahalagahan ang kalusugan sa pamamagitan ng paglahok sa mga ganitong programa at regular na pagpapakonsulta sa kanilang lokal na health center.








Comments