Kalinisan sa Paltok: Weekly Clean-Up Drive, Matagumpay na Naisagawa
- Angat, Bulacan

- Apr 13
- 1 min read

Muling nagkaisa ang mga opisyales at residente ng Barangay Paltok para sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive nitong Sabado, Abril 11, 2026.
Ang regular na aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng barangay na mapanatili ang kalinisan at protektahan ang kalusugan ng bawat pamilya sa pamamagitan ng isang maayos na kapaligiran.
Sa ilalim ng programang ito, tinutukan ang paglilinis ng mga pangunahing kalsada, pag-aalis ng mga nakabarang basura sa mga daluyan ng tubig, at pagsasaayos ng mga pampublikong espasyo.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng barangay sa lahat ng mga volunteers at residenteng naglaan ng kanilang oras at lakas para sa proyektong ito.









Comments