top of page
bg tab.png

Kalinisan sa Paltok: Lingguhang Paglilinis, Patuloy na Itinataguyod ng Barangay


Muling nagpakita ng dedikasyon sa kalikasan at kaayusan ang mga opisyales at residente ng Barangay Paltok sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive nitong Sabado, Abril 25, 2026.


Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng tuluy-tuloy na programa ng barangay upang matiyak na malinis, ligtas, at maaliwalas ang kapaligiran para sa bawat pamilyang naninirahan sa komunidad.


Sa pagtatapos ng buwan ng Abril, lalong pinag-ibayo ng mga volunteers at kawani ng barangay ang paglilinis sa mga pangunahing kalsada at mga daluyan ng tubig.


Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng barangay sa lahat ng mga kabarangay na nakiisa at nagpakita ng kanilang kooperasyon. Ang tagumpay ng bawat clean-up drive ay nakasalalay sa pagkakaisa ng bawat isa.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page