Kalinisan sa Niugan, Tuloy-tuloy; ‘Barangay Clean-up Drive,’ Matagumpay na Naisagawa
- Angat, Bulacan

- Mar 14
- 1 min read

Bilang bahagi ng masiglang kampanya para sa isang malinis at ligtas na komunidad, muling nagkaisa ang mga opisyales at residente ng Barangay Niugan para sa kanilang Clean-up Drive ngayong Sabado, ika-14 ng Marso, 2026.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Sangguniang Barangay upang masiguro ang kaayusan ng mga pangunahing kalsada at pampublikong lugar sa loob ng barangay. Nakatuon ang operasyon sa paglilinis ng mga kanal at pag-aalis ng mga basura sa drainage system upang masiguro ang maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang banta ng mga sakit na dala ng maruming kapaligiran.









Comments