Kalinisan sa Marungko, Patuloy na Itinataguyod; Weekly Clean-Up Drive, Muling Isinagawa
- Angat, Bulacan

- Feb 21
- 1 min read

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa isang malinis at ligtas na komunidad, muling nakiisa ang Sangguniang Barangay ng Marungko sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, ika-21 ng Pebrero, 2026.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga opisyal ng barangay, katuwang ang mga masisipag na kawani, barangay tanod, at mga volunteers. Nakatuon ang paglilinis sa mga pangunahing kalsada, drainage system, at mga pampublikong lugar sa iba't ibang purok upang masigurong maayos ang daloy ng tubig at maiwasan ang pag-iipon ng mga dumi na maaaring pagmulan ng sakit gaya ng Dengue.
Ayon sa Sangguniang Barangay, ang lingguhang gawaing ito ay hindi lamang para sa pagpapaganda ng paligid, kundi isang mahalagang hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Marungkenyo. Binigyang-diin din ng pamunuan ang kahalagahan ng disiplina sa tamang pagtatapon ng basura at ang pakikilahok ng bawat residente sa paglilinis ng kani-kanilang tapat ng bahay.
Nagpaabot ng pasasalamat ang barangay sa lahat ng mga nakiisa sa bayanihang ito at nangakong ipagpapatuloy ang mga ganitong programa para sa ikabubuti ng lahat.









Comments