Kalinisan sa Marungko, Higit na Pinatitindi; Weekly Clean-Up Drive, Isinagawa
- Angat, Bulacan

- Feb 8
- 1 min read

Muling nagkaisa ang Sangguniang Barangay ng Marungko kasama ang mga masisipag na kawani at volunteers para sa kanilang regular na Weekly Clean-Up Drive nitong ika-7 ng Pebrero, 2025.
Sa ilalim ng pamamahala ng mga opisyal ng barangay, tinutukan ang paglilinis sa mga pangunahing kalsada at pag-aalis ng mga bara sa mga kanal upang masigurong maayos ang daloy ng tubig at maiwasan ang pag-iipon ng dumi. Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na programa ng barangay para sa isang malusog na kapaligiran at pag-iwas sa mga sakit gaya ng Dengue.
Nagpasalamat ang Sangguniang Barangay sa lahat ng mga residente na nakiisa sa paglilinis sa kani-kanilang tapat ng bahay, na nagpapakita ng tunay na diwa ng bayanihan sa Marungko.









Comments