Kalinisan sa Barangay San Roque, Muling isinulong ng mga Residente at Opisyal

Muling nagbuklod ang pamunuan at mga residente ng Barangay San Roque sa ginanap na Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, Agosto 8, 2026.
Ipinagpatuloy ng barangay ang gawaing ito upang siguraduhing malinis at ligtas sa iba't ibang uri ng sakit ang kapaligiran. Nakatutok ang paglilinis sa pagtatapon ng mga basurang pwedeng pagipunan ng tubig upang mapuksa ang mga lamok na nagdadala ng dengue.
Tinutukan din ng mga opisyal at volunteers ang pag-aalis ng mga bara sa mga kanal at estero para sa mabilis na agos ng tubig kapag umuulan, gayundin ang pagwawalis sa mga pangunahing kalsada ng barangay.
Muling nanawagan ang Sangguniang Barangay ng San Roque sa bawat pamayanan na panatilihin ang disiplina sa pagtatapon ng basura at pangalagaan ang kalinisan sa sariling mga bakuran.










Comments