top of page
bg tab.png

Kalinisan at Kalusugan sa Brgy. Sta. Cruz, Patuloy na Itinataguyod

Oct 10
1 min read

Muling nagsagawa ng kanilang Weekly Clean-Up Drive ang pamunuan ng Barangay Sta. Cruz ngayong Oktubre 10, 2026.


Nagpanik-purok at nagtulong-tulong ang mga opisyal at residente sa paglilinis ng mga kalsada, kanal, at pampublikong espasyo bilang bahagi ng patuloy na programa ng barangay para sa kalinisan at kalusugan ng buong pamayanan.


Binigyang-diin ng pamunuan ng barangay ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagpapanatili ng kalinisan upang maiwasan ang akumulasyon ng basura at banta ng mga karamdaman sa komunidad.


Nagpaabot ng pasasalamat ang Barangay Sta. Cruz sa lahat ng nakiisa at nagpakita ng kooperasyon upang panatilihing maayos, malinis, at ligtas ang kanilang kapaligiran.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page