Kaligtasan sa Evacuation Center, Tiniyak ng MDRRMO at Health Clusters Laban sa #UwanPH
- Angat, Bulacan

- Nov 9
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagtiyak na ligtas ang mga mamamayan sa banta ng Bagyong #UwanPH, nagsagawa ng pagpupulong ang Evacuation Management, Health Clusters, at Angat Rescue ngayong araw, Nobyembre 9, 2025.
Ang pagpupulong ay nakatuon sa pagtiyak na ligtas at panatag ang mga Internally Displaced Persons (IDPs) na pansamantalang lumikas.
Pinag-usapan sa pagpupulong ang mga hakbang upang tiyakin na may sapat na proteksyon ang mga IDPs laban sa sakit.
Health Cluster: Pinangunahan ni Dra. Emma Bartolome, Municipal Health Officer, ang pagtiyak na may sapat na supply ng gamot at vitamins para sa bata at matanda.
Evacuation Management Team: Tiniyak ni Menchie Bollas, MSWD Officer, ang maayos na pakikipag-ugnayan sa mga barangay at ang pangkalahatang kaayusan sa Evacuation Center.
Coordination: Sinigurado ni Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), ang agarang responde at koordinasyon sa bawat Response Clusters sa Bayan ng Angat.









Comments