top of page
bg tab.png

Kalendaryo ng mga Aktibidad para sa GulayAngat Festival 2026, Opisyal nang Inilabas

6 days ago
1 min read

Inihayag na ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang opisyal na kalendaryo ng mga tampok na gawain para sa inaabangang pagdiriwang ng GulayAngat Festival 2026.


Sa ilalim ng temang "Binhi ng Pagbabago, Ani ng Pagkakaisa," layunin ng kapistahan na muling itampok ang yaman ng kultura, agrikultura, talento, kabuhayan, at pagkakaisa ng buong pamayanan sa pamamagitan ng mga programang nakalaan para sa bawat Angatenyo.


Inaanyayahan ng pamahalaang bayan ang lahat ng mamamayan na markahan ang kanilang mga kalendaryo at makiisa sa iba't ibang Inihandang aktibidad upang gawing mas makulay at makabuluhan ang selebrasyon ngayong taon.


Inaasahang magiging daan ang nasabing festival upang mas maipagmalaki ang mga lokal na produkto ng bayan at mas patatagin ang ugnayan ng bawat pamilya at sektor sa Angat, Bulacan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page