Kalagayan ng Barangay Marungko Ngayong Habagat, Sinuri ng Pamunuan

Nagsagawa ng monitoring at assessment ang pamunuan ng Barangay Marungko ngayong Linggo, Agosto 9, 2026, upang suriin ang kalagayan ng komunidad sa gitna ng nararanasang habagat.
Pinangunahan ng mga opisyal at kawani ng barangay ang pag-iikot sa iba't ibang lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at matukoy ang mga posibleng pinsala na dulot ng patuloy na pag-ulan at hanging habagat.
Patuloy na nagpapaalala ang Sangguniang Barangay ng Marungko sa lahat ng residente na manatiling alerto, mag-ingat, at agad na makipag-ugnayan sa pamunuan ng barangay kung kinakailangan ng tulong o saklolo.










Comments