Kakayahan ng mga BHW sa Angat, Mas Pinatalas sa Isinagawang Refresher Course sa Bataan
- Angat, Bulacan
- 4 days ago
- 1 min read

Upang mas mapataas ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa bawat barangay, sumailalim sa isang masusing Barangay Health Workers (BHW) Refresher Course ang mga kawani ng Angat Rural Health Unit (RHU) nitong ika-5 hanggang ika-6 ng Pebrero, 2026.
Ginanap ang dalawang araw na pagsasanay sa Waterfront Beach Resort, Morong, Bataan, sa pakikipagtulungan ng Provincial Health Promotion Office (PHPO). Layunin ng seminar na ito na muling sariwain at dagdagan ang kaalaman ng mga BHW sa mga pinakabagong protocols sa kalusugan, health promotion strategies, at mas mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
Ayon sa pamunuan ng Angat RHU, ang mga BHW ang nagsisilbing "frontliners" at tulay ng gobyerno sa mga komunidad, kaya’t mahalaga ang ganitong mga refresher courses upang matiyak na sila ay laging handa at bihasa. Tinalakay sa pagsasanay ang mga programa ng Department of Health (DOH) at ang mas maayos na pagpapatupad ng mga lokal na inisyatibong pangkalusugan sa Bayan ng Angat.





