top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

KAISA NG MGA SENIOR CITIZENS

Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), matagumpay na isinagawa ang 2nd Quarter National Social Pension Payout para sa mga senior citizen ng Angat.


Sentralisado po ang pamamahagi na ginanap sa Municipal Gymnasium upang masigurong maayos, sistematiko, at ligtas ang proseso ng payout.


Paalala sa lahat: Ang National Social Pension ay para lamang sa mga indigent senior citizens o iyong mga walang regular na pinansyal na suporta at hindi tumatanggap ng pension mula sa GSIS, SSS, o iba pang ahensya.


Ang DSWD sa nasyonal ang siyang nagsusuri at nagpapasya kung sino ang unang mabibigyan base sa kanilang assessment at listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo.


Hangad ng pamahalaan na mapanatili ang pagkalinga at tulong sa ating mga nakatatanda. Dignidad. Serbisyo. Kalinga. Para kay Lolo at Lola.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page