top of page
bg tab.png

Kahulugan ng mga Numero sa Plastik, Ipinaliwanag ng MENRO Angat para sa tamang Pag-rerecycle

Oct 15
1 min read

Naglabas ng gabay ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Angat ukol sa kahulugan ng mga numerong 1 hanggang 7 sa loob ng simbolong tatsulok sa ilalim ng mga produktong plastik upang matulungan ang publiko sa tamang paghihiwalay at pag-rerecycle ng basura.


Ipinalwanag ng tanggapan ang bawat uri ng plastik:

  • #1 PET (Polyethylene Terephthalate): Karaniwang ginagamit sa mga bote ng tubig at soft drinks.

  • #2 HDPE (High-Density Polyethylene): Makikita sa mga bote ng detergent, shampoo, at lalagyan ng gatas.

  • #3 PVC (Polyvinyl Chloride): Ginagamit sa mga tubo at ilang uri ng packaging.

  • #4 LDPE (Low-Density Polyethylene): Matatagpuan sa mga plastic bag at flexible packaging.

  • #5 PP (Polypropylene): Ginagamit sa mga lalagyan ng pagkain, takip ng bote, at plastic cups.

  • #6 PS (Polystyrene): Makikita sa mga disposable cup, food tray, at Styrofoam.

  • #7 OTHER: Tumutukoy sa iba pang uri o pinaghalong plastik.


Nagpaalala ang MENRO Angat sa lahat ng mamamayan na maging responsable sa pagtatapon ng basura sa pamamagitan ng pagbawas sa paggamit ng single-use plastics, muling paggamit sa mga ito kung ligtas pa, at tamang pagsasagawa ng waste segregation sa bawat tahanan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page