top of page
bg tab.png

Kahandaan sa Kalamidad, Pinatibay sa Brgy. Donacion at Taboc sa Isinagawang Community Risk Assessment


Patuloy na pinatitibay ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang kahandaan ng mga barangay matapos muling magsagawa ng Community Risk Assessment (CRA) ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ngayong Hulyo 17, 2026.


Sa pamumuno ng Punong Bayan at Tagapangulo ng MDRRMC na si Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista, at sa pangunguna ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), nagtungo ang CRA Team sa Barangay Donacion at Barangay Taboc upang suriin ang antas ng banta at peligro sa mga naturang lugar.


Naging katuwang ng MDRRMO CRA Team sa pagsasagawa ng assessment si Kapitan Jessie Calderon ng Barangay Donacion at Kapitan Edsel Lopez ng Barangay Taboc.


Sa pamamagitan ng isinagawang CRA, masusing tinukoy ang mga banta sa buhay at ari-arian ng mga residente tuwing may dumaraang kalamidad, partikular na ang peligro ng pagbaha. Nagsagawa rin ng isang konsultatibong panayam sa pagitan ng pamunuan ng barangay at ng MDRRMO upang makabuo ng mga konkretong aksyon at agarang solusyon sa mga natukoy na banta.


Ang inisyatibong ito ay bahagi ng serye ng mga aktibidad ng Bayan ng Angat para sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) ngayong buwan, na may temang: "Naghahanda at Kumikilos tungo sa Panatag at Bagong Pilipinas."


Binigyang-diin ng Angat MDRRMO na ang kahandaan ng bawat barangay ang pangunahing pundasyon upang matiyak na ang bawat pamilyang Angateño ay ligtas, handa, at panatag sa harap ng anumang sakuna.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page