top of page
bg tab.png

KADIWA Pop-Up Store, Bukas na sa Angat!

ree

ANGAT, BULACAN — Magandang balita para sa mga mamimili! Bukas na ang KADIWA Pop-Up Store sa tapat ng Munisipyo ng Angat ngayong Lunes, Oktubre 20, 2025, mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM.


Isa sa mga tampok ngayong araw ay ang bigas mula sa National Irrigation Association na mabibili sa halagang ₱29 kada kilo o ₱290 bawat sako (10 kgs). Paalala sa mga nais bumili: magdala ng valid ID bilang requirement sa pag-avail ng naturang bigas.


Mabibili rin sa pop-up store ang mga presyong abot-kayang gulay mula sa Federation of Angat Farmers, at mga organikong produkto mula sa Organic Farmers of District 6, Bulacan at Munting Paraiso ni Yoly Farm.


Layunin ng KADIWA programang ito na mailapit ang sariwa, masustansya, at murang pagkain sa mga mamamayan habang tinutulungan din ang lokal na mga magsasaka.

Huwag palampasin — tara na sa KADIWA Pop-Up Store!

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page