KABATAAN, KWENTO MO, PREMYO MO
- Angat, Bulacan
- Aug 4
- 1 min read

Bilang pakikiisa sa nalalapit na Pandaigdigang Araw ng Kabataan sa darating na Agosto 12, iniimbitahan ang bawat Angateño na ibahagi ang inyong "Kwentong Kabataan" — mga karanasang nagpapakita ng malasakit sa kapwa at sa pamayanan, gaya ng pagtulong sa nangangailangan o pakikilahok sa mga programang pang-komunidad.
May pagkakataon kang manalo ng GCash na papremyo.
SINO ANG MAARING SUMALI:
Bukas ang patimpalak sa lahat ng taga-Angat, anuman ang edad, kasarian, o katayuan sa buhay.
PAANO SUMALI:
I-LIKE at I-BAHAGI ang post na ito sa iyong Facebook wall (siguraduhing naka-PUBLIC).
Sa comment section, isulat ang iyong Kwentong Kabataan — isang karanasang nagpapakita ng iyong malasakit sa komunidad.
Banggitin ang 10 Facebook na kaibigan
Ilagay sa hulihan ng iyong kwento ang iyong Buong Pangalan, Barangay, at Contact Number
I-FOLLOW ang pahinang ito upang malaman kung ikaw ay isa sa mga mapipiling panalo.
PAALALA: Isang entry lamang ang maaaring isali ng bawat kalahok.
Huling araw ng pagsusumite ng entry: Agosto 10, 2025
Pag-aanunsyo ng mga mananalo: Agosto 12, 2025
Ibahagi ang iyong kwento ng kabayanihan bilang kabataan at ipagdiwang ang iyong ambag sa pagbabago.
Comments