top of page
bg tab.png

Kaalaman sa Early Warning System, ibinahagi ng MDRRMO sa Barangay Laog, Angat


Upang mas palakasin ang kahandaan ng komunidad sa panahon ng sakuna, matagumpay na nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Angat ng isang Information, Education, and Communication (IEC) Campaign hinggil sa Early Warning System nitong Hulyo 7, 2026.


Ginanap ang nasabing aktibidad para sa mga miyembro ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) ng Barangay Laog. Layunin nitong magbigay ng mas malalim na kaalaman sa mga opisyal ng barangay ukol sa mga mekanismo at tamang proseso ng mga babalang ginagamit sa bayan upang mabilis na makatugon sa anumang banta ng kalamidad.



Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang MDRRMO Angat, sa pamumuno ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), kay Punong Barangay Paterno Manayao at sa buong BDRRMC ng Barangay Laog para sa kanilang aktibong pakikiisa at suporta sa programa.


Binigyang-diin ng pamunuan na mahalaga ang patuloy na pagtutulungan ng pamahalaang lokal at ng mga barangay upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng maayos na pag-iwas, paghahanda, at pagtugon sa mga hindi inaasahang sakuna.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page