Jollibee Angat, Magdaraos ng Face-to-Face Interview para sa Service Kitchen Crew

Magpapatupad ng face-to-face interview ang pamunuan ng Jollibee Angat, sa pakikipag-ugnayan sa Public Employment Service Office (PESO) ng Pamahalaang Bayan ng Angat, para sa mga nagsumite ng aplikasyon sa posisyong Service Kitchen Crew.
Ayon sa opisyal na anunsyo, ang gawaing ito ay isasagawa dahil sa dagsa ng mga aplikanteng nagpadala ng kanilang resume sa pamamagitan ng email para sa nasabing bakanteng posisyon.
Gaganapin ang recruitment activity ngayong Oktubre 9, 2026, sa ganap na ika-12:30 ng hapon na gaganapin mismo sa sangay ng Jollibee Angat.
Pinapaalalahanan ang lahat ng nagnanais dumalo na kinakailangang magpatala muna sa opisyal na online registration form sa pamamagitan ng link na [https://forms.gle/eQ7SajMoCAbDeS5o8](https://forms.gle/eQ7SajMoCAbDeS5o8) bago magtungo sa nakatakdang panayam.










Comments