JOB VACANCY ALERT! INTELLITECH SYSTEMS AT PESO ANGAT, NAGHAHANAP NG MGA SKILLED WORKERS AT TECHNICIANS
- Angat, Bulacan
- 4 days ago
- 1 min read

Magandang balita para sa mga skilled workers, technicians, at multi-taskers! Inanunsyo ng Public Employment Service Office (PESO) Angat ang mga bakanteng posisyon sa kumpanyang Intellitech Systems and Allied Services OPCÂ para sa mga nagnanais ng matatag na trabaho at magandang kapaligiran sa paggawa.
Naghahanap ang kumpanya ng mga qualified applicants para sa mga sumusunod na posisyon:
1. Driver-Helper
Tungkulin:Â Ligtas na pagmamaneho ng mga sasakyan ng kumpanya (automatic at manual 4-wheelers) para sa paghahatid ng mga tauhan, kagamitan, at kargamento sa project sites; pagtulong sa mga skilled workers (welders, painters, installers); at pagpapanatili ng linis at inspeksyon ng sasakyan.
2. Skilled Welder
Tungkulin:Â Pagsasagawa ng de-kalidad na welding, fabrication, at repair work para sa mga gate, steel structures, at iba pang custom metal fabrication projects nang may pagsunod sa safety procedures at nakalaang timeline.
3. Multi-Skilled Technician
Tungkulin:Â Pagsasagawa ng electrical at automation tasks katulad ng pagkakabit, pag-troubleshoot, at maintenance ng electric fence systems at gate automation; pag-aayos ng mga wiring; at pagbibigay ng mabilis na teknikal na suporta sa proyekto.
4. Painter
Tungkulin:Â Paghahanda ng mga ibabaw ng bakal (paglilinis, pagliliha, at paglalagay ng putty/primer) at paglalagay ng protective coating o pintura sa mga gate, railings, at canopies upang matiyak ang malinis at propesyonal na pagkakagawa.

Para sa mga interesado, maaari kayong magpasa ng aplikasyon sa pamamagitan ng Digital Application:
I-email ang inyong updated Resume / CVÂ sa:
Email:Â pesohiringangat@gmail.com
Subject Line Format:Â Application: [Intellitech Systems] - [Position Name] - [Your Full Name]
Magrehistro rin sa opisyal na online registration form:
Para sa iba pang detalye, magsadya lamang sa tanggapan ng PESO Angat.





