top of page
bg tab.png

Job Hiring: TeleworkPH, Naghahanap ng CSR at L&D Facilitator

2 days ago
1 min read

Updated: 2 hours ago


Nagbukas ng mga bagong oportunidad sa trabaho ang Public Employment Service Office (PESO Angat) sa pakikipagtulungan sa TeleworkPH para sa mga nagnanais magtrabaho sa San Rafael, Bulacan.


Naghahanap ang naturang kumpanya ng mga qualified na aplikante para sa mga posisyong Customer Service Representative (CSR) at Learning & Development Facilitator:

  • Customer Service Representative (CSR): Kinakailangang mayroong hindi bababa sa anim (6) na buwang karanasan sa customer service (voice/calls), mahusay sa pakikipagtalastasan gamit ang wikang Ingles, may kakayahan sa problem-solving, at may karanasan sa paghawak ng financial hardship accounts. Isang bentaha rin ang kaalaman sa paggamit ng Salesforce CRM.


  • Learning & Development Facilitator: Kinakailangang may kaukulang Bachelor’s degree o katumbas na karanasan sa L&D o Training sa BPO o shared services. Kailangan din ang kaalaman sa Training Needs Analysis (TNA), Instructional Design, Learning Management Systems (LMS), pati na rin ang kahusayan sa Google Workspace at MS Office.


Para sa mga interesadong mag-apply, kailangang sagutan ang online registration form sa https://forms.gle/eQ7SajMoCAbDeS5o8 at ipadala ang updated na Resume o CV sa pesohiringangat@gmail.com.



Inaatas sa mga aplikante na gamitin ang tamang format sa email subject line: Application: TeleworkPH - [Position Name] - [Your Full Name] (Halimbawa: Application: TeleworkPH - Customer Service Representative - Juan Dela Cruz).


Hinihikayat ng PESO Angat ang mga mamamayan na samantalahin ang pagkakataong ito upang makakuha ng magandang karera malapit sa kanilang tahanan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page