Job Hiring: HR Admin at Cashier, Kailangan sa Homecity Sta. Cruz, Angat

Nangangailangan ang kumpanyang Homecity ng mga bagong kawani para sa mga posisyong Human Resources Administration at Cashier sa pakikipag-ugnayan sa Public Employment Service Office (PESO) ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Para sa posisyong Human Resources Administration, bukas ang aplikasyon sa mga nakapagtapos ng Bachelor's Degree sa Psychology, Human Resources, Business Administration, o iba pang kaugnay na kurso. Bukas ang posisyon sa mga may karanasan man o mga fresh graduates. Kinakailangan din ang batayang kaalaman sa paggamit ng mga Microsoft Office applications tulad ng Word, Excel, at PowerPoint.

Samantala, bukas naman para sa mga nakapagtapos ng Senior High School (SHS) ang posisyong Cashier, may karanasan man o wala sa nakaraang trabaho. Ang matatanggap sa posisyong ito ay itatalaga sa sangay ng Homecity sa Barangay Sta. Cruz, Angat, Bulacan.
Para sa mga nagnanais mag-apply, kinakailangang magpatala muna sa opisyal na online registration form sa link na [https://forms.gle/LXV3NFhaQZsgF9sS7](https://forms.gle/LXV3NFhaQZsgF9sS7) at kumuha ng screenshot ng patunay ng rehistrasyon. Matapos magparehistro, maaari nang magtungo nang direkta sa tanggapan ng Homecity dala ang screenshot ng rehistrasyon at ang na-update na resume.










Comments