top of page
bg tab.png

JOB HIRING: Genetron sa Sulucan, Angat, Nangangailangan ng mga Bagong Manggagawa


Nagbukas ng panibagong oportunidad sa trabaho ang kumpanyang Genetron, na matatagpuan sa Barangay Sulucan, para sa mga residenteng naghahanap ng mapapasukan sa larangan ng pagmamaneho, serbisyong elektrikal, at seguridad, sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO) ng Angat.


Ayon sa PESO Angat, kasalukuyang nangangailangan ang kumpanya para sa mga sumusunod na posisyon:


1. Professional 10-Wheeler & Elf Driver

  • Mayroong lehitimo at updated na Driver’s License (DL Codes: A, B, C, D)

  • May hindi bababa sa isang (1) taong karanasan sa pagmamaneho

  • Nakatapos ng Sekundarya (High School Graduate) o katumbas nito

2. Electrician

  • May kakayahang magpatupad ng mga gawaing elektrikal at gumamit ng mga nauukol na kagamitan at kasanayan

  • May hawak na lehitimong NC II Certificate sa Electrical Installation and Maintenance

  • Nakatapos ng Sekundarya (High School Graduate) o katumbas nito

3. Security Guards

  • Mayroong lehitimo at updated na lisensya bilang Security Guard

  • May hindi bababa sa anim (6) na buwang karanasan sa larangan ng seguridad

  • Nakatapos ng Sekundarya (High School Graduate) o katumbas nito


Paraan ng Pag-apply:

  1. Magpadala ng Resume: Ipadala ang inyong updated na CV o Resume sa opisyal na email address ng PESO Angat:

    📧 pesohiringangat@gmail.com

  2. Online Registration: Sagutan ang opisyal na PESO Angat Job Applicant’s Form upang maiproseso ang inyong aplikasyon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page