Job Alert: Operations Manager, Kailangan sa Intellect Systems

Inihayag ng Public Employment Service Office (PESO Angat) ang hiring opportunity para sa posisyong Operations Manager sa kumpanyang Intellect Systems and Allied Services OPC.
Naghahanap ang naturang kumpanya ng isang epektibo at results-driven na lider na mamamahala sa pang-araw-araw na operasyon, pagpapatakbo ng mga resources, at pagpapabuti ng mga proseso para sa paglago ng kumpanya.
Mga Kwalipikasyon:
Edukasyon: May Degree sa Business Administration, Operations Management, o anumang kaugnay na kurso.
Karanasan: Dalawa (2) o higit pang taong karanasan sa pamamahala o operasyon.
Kasanayan: Mahusay sa pamumuno (leadership), pagresolba ng alitan (conflict management), pakikipagtalastasan, at organisasyon.
Paraan ng Pag-aapply:
Ihanda at i-update ang inyong Resume o Curriculum Vitae (CV).
Magsagot sa opisyal na registration form sa forms.gle.
Ipadala ang resume/CV sa pesohiringangat@gmail.com gamit ang subject line na: Applicant for Intellect Systems - Operations Manager.










Comments