Jaina Sarmiento, Nag-uwi ng Karangalan mula sa Palarong Pambansa 2026
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Nagpaabot ng pagbati ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Angat para sa pambihirang tagumpay ng batang atleta na si Jaina Meari M. Sarmiento, matapos nitong magpamalas ng galing at humakot ng mga medalya sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2026.
Si Sarmiento, na isang mag-aaral mula sa Colegio de Sta. Monica de Angat, ay sumabak at nakipagtagisan ng galing sa larangan ng Women's Artistic Gymnastics (WAG) – Elementary Division.
Sa pamamagitan ng kanyang Graceful at kalkuladong mga galaw, matagumpay na nasungkit ni Sarmiento ang mga sumusunod na prestihiyosong parangal:
🥇 Team Champion
🥈 Silver Medal – Vault Routine
🥉 Bronze Medal – Individual All-Around
Ang Palarong Pambansa ang pinakamataas na antas ng palakasan para sa mga mag-aaral sa buong bansa, kung kaya't ang pag-uwi ng mga medalya ay isang napakalaking karangalan para sa buong Lalawigan ng Bulacan at partikular sa Bayan ng Angat.
Ayon sa pamahalaang lokal, ang ipinakitang husay ng batang gymnast ay patunay na walang pinipiling edad ang pag-abot sa matatayog na pangarap basta't may kalakip itong disiplina at puso sa paglalaro.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang pamahalaan sa pagbibigay niya ng inspirasyon sa iba pang mga kabataan na pasukin ang mundo ng isports at hubugin ang kanilang mga talento.








Comments