top of page
bg tab.png

Jaina Meari Sarmiento, Humakot ng Anim na Gintong Medalya sa Provincial Athletics Meet 2026


Namayagpag ang galing ng kabataang Angateño sa larangan ng gymnastics matapos humakot ng anim na gintong medalya ni Jaina Meari Sarmiento sa katatapos lamang na Provincial Athletics Meet 2026.


Si Sarmiento, na pinalaki ng Colegio de Sta. Monica de Angat, ay nagpakitang-gilas sa kategoryang Women’s Artistic Gymnastics. Hindi nagpaawat ang pambatong atleta ng bayan matapos niyang dominahin ang lahat ng aspeto ng kompetisyon, kabilang ang Vault, Uneven Bars, Balance Beam, at Floor Exercise.


Dahil sa kanyang ipinamalas na husay, nakuha rin niya ang titulong Individual All-Around Champion at pinangunahan ang kanyang grupo para hiranging Team Champion.


Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Angat, ang tagumpay ni Jaina ay bunga ng kanyang matinding disiplina at dedikasyon sa pagsasanay. Ang kanyang pagkapanalo ay hindi lamang karangalan para sa kanyang paaralan kundi isang malaking inspirasyon para sa lahat ng mga kabataang atleta sa buong bayan na nagnanais ding magtagumpay sa mundo ng palakasan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page