Isang Malawakang Weekly Clean-Up Drive, Isinagawa sa Baybay Elementary School
- Angat, Bulacan

- Jun 2
- 1 min read

Bilang paghahanda sa pagpapanatili ng isang ligtas, malinis, at conducive na kapaligiran para sa mga mag-aaral, isang masiglang Weekly Clean-Up Drive ang matagumpay na isinagawa sa Baybay Elementary School (Baybay Gitna) nitong Sabado, Mayo 30, 2026.
Ang naturang aktibidad ay pinagtulungan ng Pamahalaang Barangay ng Baybay, katuwang ang mga boluntaryong residente na nakiisa sa ilalim ng diwa ng bayanihan.
Naging pangunahing pokus ng paglilinis ang paligid ng paaralan mga pampublikong pasilidad ng eskwelahan, at ang mga daluyan ng tubig o kanal sa loob at labas ng campus. Ayon sa mga organizer, napakahalaga ng hakbang na ito upang masigurong walang maiiwang stagnant water o basurang pwedeng pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue, lalo pa at papasok na ang panahon ng tag-ulan.

Bukod sa pagpuksa sa mga peste, naging pagkakataon din ito upang iayos ang mga halaman at siguraduhing maayos ang mga pasilidad para sa kaligtasan ng mga bata.
Nagpaabot naman ng malalim na pasasalamat ang pamunuan ng barangay at ng Baybay Elementary School sa lahat ng mga nag-alay ng kanilang oras at lakas tuwing Sabado upang mapanatiling huwaran sa kalinisan ang komunidad.









Comments