Information Education Campaign Ukol sa Disaster Preparedness, Isinagawa sa Barangay San Roque
- Angat, Bulacan

- 4 days ago
- 1 min read

Nagsagawa ng Information Education Campaign (IEC) activity tungkol sa Disaster Preparedness and Response ang Sangguniang Barangay ng San Roque sa pangunguna ni Kapitan Nerio Valdesco. Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng MDRRMO Angat sa pamumuno ni MGDH I Carlos R. Rivera Jr. at Malou Alborida kasama ang kaniyang koponan.
Layunin ng programa na mapalawak ang kaalaman ng mga residente sa tamang paghahanda, pag-iwas sa panganib, at wastong pagkilos bago, habang, at pagkatapos ng anumang sakuna. Layon nitong buuin ang isang alerto at responsableng komunidad upang masiguro ang kaligtasan ng bawat pamilya.
Muling binigyang-diin ng pamunuan ng barangay na sa oras ng kalamidad, ang tamang kaalaman at paghahanda ay mahalagang daan upang makapagligtas ng buhay.









Comments