ISANG MAKAKALIKASANG ARAW!
Matagumpay na naisagawa ng MENRO Angat ang Information and Education Campaign (IEC) on EcologicalSolid Waste Management ngayong araw, March 3, taong kasalukuyan, sa mga mag-aaral at mga magulang ng F.F Illescas Elem. School, Brgy. Binagbag, Angat, Bulacan. Sa pangunguna ng kanilang mabait na punongguro, Mr. Edwin Dela Cruz, at kanyang buong Kaguruan.
Mga tinalakay sa nasabing aktibidad:
🔹Iba't ibang uri ng basura
🔹Tamang pamamahala ng basura.
🔹Rebublic Act 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000)
🔹Epekto nito sa lipunan at sa kalusugan ng mga mamamayan.
Buong lugod din na ibinahagi ang ilan sa mga programa ng tanggapan hinggil sa "Tamang Pamamahala ng Basura", tulad ng "BASURA PALIT GAMIT ISKUWELA" PROJECT. At "BASURA PALIT PUNLA" PROJECT.
Patuloy pa rin ang ganitong programa ng tanggapan kaya hinihikayat ang bawat isa sa pagtataguyod ng tamang pamamahala sa basura.
Комментарии