Inaguration and Turn Over Ceremony of Post-Harvest, Production and Irrigation Facilities (Warehouse with Dryer & Packaging House)
Sa unang bahagi ng programa isinagawa ang Blessing at Ribbon Cutting na pinangunahan ni Fr. Ramil Juat at Testing of Dryer with Load ng mga Miyembro ng Samahan.
Sa ikalawang bahagi ay nagbigay ng Bating Pagtanggap ang ating Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista. Ito ay sinundan ng pagpapakilala sa mga Panauhin na ginampanan ni Bb. Ira Raya Cruz. Nagbigay ng mensahe ang bawat kalahok sa programa na sina: G. Joseph Del Rosario (Pangulo, Prime Farmers Association of Sta Lucia, Inc), Engr. AB David (Regional HVCDP Focal Person), Chief Elma Mananes (Field Operation Division), Ma. Gloria SF. Carrillo (Provincial Agriculturist), Director Glenn Gerald Panganiban (National Director for Urban Agriculture), at ang ating Punong Lalawigan, Igg. Daniel R. Fernando
Kasama din ang Samahan ng mga Magsasaka at Maggugulay sa Tukod (San Rafael), Coral na Bato Farmers Association (San Rafael), Kap. Nerio Valdesco, Kon. Wowie Santiago, Kon. Blem Cruz, Kon. Oscar Suarez, Kon. William Vergel De Dios at Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin.
Sa ikatlong bahagi ng palatuntunan iginawad ang Katibayan ng Pagkakaloob sa mga Miyembro ng Samahan. Ang naturang programa ay ginanap sa Joseph H. Del Rosario Compound, Brgy. Sta. Lucia, Angat, Bulacan.
Ang ating Pamahalaang Bayan ng Angat, bilang isang agrikultural na munisipalidad ay patuloy na sumusuporta sa mga gawain, programa at maging sa ating mga masigasig na magsasaka bilang pangunahing pinagmumulan ng ating pagkain sa araw-araw at pinagkukunan ng kabuhayan ng maraming Angatenyo.
Mabuhay ang Sektor ng Agrikultura!
Comments