Ikalawang Regular na Pagpupulong ng SB Sulucan, Matagumpay na Idinaos

Isinagawa ng pamunuan ng Barangay Sulucan ang kanilang 2nd Regular Session para sa buwan ng Oktubre ngayong Oktubre 19, 2026.
Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng Sangguniang Barangay sa pagtalakay ng mga mahahalagang ordinansa, resolusyon, at mga mungkahing proyekto na nakatuon sa kapakanan, seguridad, at pampublikong serbisyo para sa buong mamamayan.
Naging pangunahing layunin ng naturang pagpupulong ang pagsusuri sa mga kasalukuyang programa ng barangay at ang pagpapatibay ng mga hakbangin upang maresolba ang mga usaping pampamayanan.
Ayon sa Sangguniang Barangay, ang patuloy na pagdaraos ng mga opisyal na sesyon ay bahagi ng kanilang komitment sa tapat, transparent, at maayos na pamamahala tungo sa patuloy na pag-unlad ng Barangay Sulucan.










Comments