Ika-Apat na Lingguhang Paglilinis sa Agosto, Idinaos sa Barangay San Roque

Tuloy-tuloy ang pagkakaisa ng mga residente at opisyal ng Barangay San Roque matapos nitong muling idaos ang Weekly Clean-Up Drive nitong Agosto 22, 2026.
Nagtulong-tulong ang lahat sa pag-aalis ng mga nakaimbak na tubig laban sa dengue, paglilinis ng mga kanal para maiwasan ang pagbaha, at pag-aayos ng mga kalsada.
Panawagan ng pamunuan, patuloy sanang panatilihin ng bawat pamilya ang kalinisan sa sariling bakuran para sa kalusugan ng lahat!










Comments