Ika-3 Araw ng BDRRM Plan Review, Isinagawa
- Angat, Bulacan

- Nov 14
- 1 min read

Matagumpay na naisagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Angat ang tatlong araw na Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) Plan Review para sa taong 2025 – 2027.
Natapos ngayong araw, Nobyembre 14, 2025, ang review sa huling apat na barangay:
Barangay Sto. Cristo
Barangay Sta. Cruz
Barangay Encanto
Barangay Sulucan
Ang aktibidad ay isinagawa upang masuri ang mga plano ng mga barangay patungkol sa pagpapalakas ng kanilang kapabilidad sa panahon ng kalamidad.
Pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), ang Municipal DRRM Plan Review Team na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya:
Kyle Agay (MLGOO)
Vladimir Trinidad (Representative - MPDO)
Aldwin Fajardo (Representative - MBO)
Gidean Cruz (Representative - MENRO)
Isinagawa rin ang Exit Conference ng Review Team upang talakayin ang mga hakbang para sa mas maagap na pagtugon sa mga nakitang kailanganing pagsasaayos at pagwawasto sa proseso at plano ng BDRRM Committee.









Comments