HUWEBES SANTO: Ang Huling Hapunan at Paglilingkod ni Hesus
- Angat, Bulacan
- Apr 17
- 1 min read
Updated: Apr 23

Sa Huling Hapunan, ipinamalas ni Hesus ang diwa ng tunay na paglilingkod, ang paglimot sa sarili alang-alang sa kapakanan ng iba. Hindi Siya naupo upang paglingkuran, kundi Siya mismo ang naglingkod. Sa paghuhugas ng paa ng Kanyang mga alagad, itinuro Niya na ang tunay na pamumuno ay nakaugat sa kababaang-loob at sakripisyo.
Ngayong Huwebes Santo, tayo ay inaanyayahang magnilay: sa ating araw-araw na gawain, lalo na sa pagtugon sa tawag ng paglilingkod, totoo ba tayong nag-aalay? Sa panahon ngayon na sinusukat ang puso ng bawat isa, nawa’y mamayani ang malasakit, katapatan, at kahandaang magsakripisyo.
Panalangin: Panginoon, turuan Mo akong maglingkod nang may kababaang-loob, at mag-alay ng sarili para sa kabutihan ng nakararami. Panatilihin mong malinis ang aking hangarin. Sa bawat hakbang, bigyan Mo ako ng lakas upang piliin ang tama. Amen.
Comments