top of page
bg tab.png

Huling Weekly Clean-Up Drive para sa Oktubre, Idinaos sa Brgy. Banaban

Oct 31
1 min read

Tinapos ng pamunuan ng Barangay Banaban, Angat, Bulacan ang buwan sa pamamagitan ng matagumpay na pagsasagawa ng kanilang Weekly Clean-Up Drive ngayong Oktubre 31, 2026.


Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay, mga kawani, at mga residente sa paglilinis ng mga pampublikong kalsada, mga kanal, at iba pang pampublikong lugar sa buong sakop ng barangay.


Binigyang-diin ng pamunuan ng barangay na ang tuloy-tuloy na pakikiisa ng mamamayan sa lingguhang linis-baranggay ay mahalagang batayan upang maiwasan ang pagkaipon ng basura at mapanatiling ligtas ang pamayanan mula sa mga banta ng karamdaman.


Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Barangay Banaban sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa mga programang pangkapaligiran at pangkalusugan ng barangay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page