Huling 7 Araw para sa Pre-Registration ng 'Food Park 2026 Merchants,' Ipinaalala ng BPLO Angat

Muling nagpaalala ang Business Permit and Licensing Office (BPLO Angat) sa mga lokal na negosyante na may pitong (7) araw na lamang ang natitira para sa pre-registration ng mga gustong maging merchants sa inaabangang Food Park 2026.
Ang nagpapatuloy na pre-registration at pagtanggap ng mga katanungan (inquiries) na nagsimula noong Setyembre 8 ay nakatakdang magtapos sa Setyembre 20, 2026. Hinihimok ang mga nagnanais sumali na magpalista gamit ang opisyal na pre-registration link o sa pamamagitan ng pag-scan sa opisyal na QR code ng BPLO.
Nilinaw ng BPLO na ang pagpapasagot sa link ay hindi nangangahulugang awtomatikong tanggap na ang aplikante. Magkakaroon pa rin ng pagsusuri at oryentasyon batay sa mga sumusunod na iskedyul:
Setyembre 8–20, 2026: Pre-registration at Inquiries
Setyembre 21–23, 2026: Selection Process
Setyembre 25, 2026: Unang Pagpupulong (1st Meeting)
Matatagpuan din sa pre-registration link ang kumpletong detalye ukol sa mga kinakailangang bayarin (fees) at calendar of activities para sa Food Park 2026.










Comments