top of page
bg tab.png

HPN-DM Municipal Officers, Nagpulong sa Angat RHU

Upang mas paigtingin ang kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa mga non-comm

unicable diseases, matagumpay na idinaos ang HPN-DM (Hypertension at Diabetes Mellitus) Municipal Officers Meeting nitong ika-19 ng Marso, 2026, sa RHU Main, Brgy. Sta. Cruz.


Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng mga opisyal at kinatawan na nakatuon sa pagsubaybay at pagkontrol ng kaso ng altapresyon (Hypertension) at diyabetis (Diabetes) sa buong bayan. Sa ilalim ng pangangasiwa ng Angat Rural Health Unit (RHU), tinalakay sa pulong ang mga updates sa listahan ng mga pasyente, ang sapat na suplay ng mga gamot sa bawat barangay, at ang mga estratehiya para sa mas malawak na screening at awareness campaign.



Layunin ng pagpupulong na matiyak na ang bawat Angateñong may iniindang karamdaman ay regular na nasusubaybayan at nabibigyan ng nararapat na atensyong medikal. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga opisyal sa antas ng munisipyo at barangay upang mapababa ang mga komplikasyong dulot ng mga sakit na ito.


Ang inisyatibong ito ay bahagi ng adbokasiya ng Lokal na Pamahalaan ng Angat na itaguyod ang isang malusog at aktibong pamayanan sa pamamagitan ng maagap na pagsusuri at tuluy-tuloy na serbisyong pangkalusugan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page