HOG RAISING SEMINAR NG B-MEG AT MAO ANGAT, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA KABILA NG MASAMANG PANAHON
- Angat, Bulacan

- Aug 11
- 1 min read

Hindi naging hadlang ang masamang panahon para sa mga lokal na hog raisers at mga nagnanais pa lamang pumasok sa paghahayupan matapos matagumpay na idaos ang Hog Raising Seminar noong Agosto 8, 2026 sa Covered Court ng Barangay San Roque, Angat, Bulacan.
Pinangunahan ang naturang pagsasanay ni Dr. Eugene Mende, B-MEG Technical Services Manager, na dinaluhan ng mga kalahok mula sa iba't ibang barangay at karatig-bayan.
Naisakatuparan ang makabuluhang inisyatibo sa pakikipagtulungan ng B-MEG, Business Permit and Licensing Office (BPLO), at Municipal Agriculture Office (MAO) ng Angat.

Naging pokus ng ginanap na seminar ang mga sumusunod na mahahalagang paksa:
Edukasyon ukol sa African Swine Fever (ASF): Pagbibigay ng linaw, impormasyon, at mga hakbang sa pag-iwas laban sa ASF.
Wastong Pamamahala at Pag-aalaga: Praktikal na gabay sa tamang pamamaraan ng pagpapatakbo ng babuyan upang masiguro ang kalusugan ng mga alaga.
Angkop na Pagpapakain: Paggamit ng tamang uri ng feeds batay sa edad at kasarian ng baboy para sa mabilis at maayos na paglaki.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Municipal Agriculture Office sa lahat ng mga dumalo, gayundin sa mga partner organizations na patuloy na sumusuporta sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at paghahayupan sa Angat.









Comments