top of page
bg tab.png

HOG RAISERS SA ANGAT, INANYAYAHAN SA B-MEG SEMINAR SA AGOSTO 8


Iniimbitahan ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Angat ang lahat ng mga kasalukuyan at nagnanais pa lamang maging hog raiser sa bayan na lumahok sa gaganaping B-MEG Premium Super Samahan Hog Raising Seminar ngayong darating na Agosto 8, 2026.


Isasagawa ang naturang talakayan mula 7:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Covered Court ng Barangay San Roque, na matatagpuan sa likod ng New Angat Municipal Hall.


Naglalayon ang nasabing programa na magbigay ng mga sumusunod na opportunidad at kaalaman:

  • PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN: Pag-aaral sa mga modernong pamamaraan at teknolohiya sa hog production.

  • PAYO MULA SA MGA EKSPERTO: Pagkuha ng mga praktikal na gabay mula sa mga propesyonal sa industriya ng paghahayupan upang mapataas ang kita.

  • NETWORKING: Pagbuo ng ugnayan at pakikipagkapwa sa iba pang mga nag-aalaga ng baboy sa Angat.


Hinihikayat ng MAO ang lahat ng interesadong mamamayan na dumalo at samantalahin ang libreng pagkakataong ito upang mapalago ang kanilang pangkabuhayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page